Manila, Philippines – Humingi ng paumanhin si Vice President Leni Robredo kasunod ng lumabas na larawan niya kasama ang ilang miyembro ng Liberal Party (LP) sa Holocaust Memorial sa Germany.
Ayon kay Robredo, nais niyang mag-sorry kung naka-offend sila o hindi naging sensitibo sa pananaw ng iba.
Ang nasabing larawan ay unang naipost sa twitter ni Ifugao Representative Teddy Baguilat na agad rin niyang inalis.
Una nang umani ng batikos ang umano ay kawalan ng respeto nina Robredo sa mga biktima ng Nazi Genocide sa Europe noong world war II kung saan makikitang sila ay pawang nakangiti sa larawan.
Facebook Comments