MANILA – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinatutukoy na nila sa mga eksperto kung sino at saan na-upload ang video ng pamumugot ng Abu Sayyaf sa Canadian hostage nito na si John Ridsdel.Sa interview ng RMN kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, nakiusap din siya sa publiko na iwasan na ang pagpapakalat ng marahas na video sa social media.Sa kabila nito, nanindigan pa rin ang gobyerno na hindi magbigay ng ransom kahit nagbanta ang grupo nang pagpugot sa tatlo pang hawak nilang bihag.Tiniyak ni Padilla na patuloy ang kanilang operasyon laban sa grupo para matiyak ang kaligtasan ng mga bihag.Sa ngayon hawak pa ng Abu Sayyaf ang 13 na bihag kabilang dito ang apat na Malaysian seamen at isang Japanese, isang Netherlands, isang Canadian, isang Norwegian at isang Pinay.
Nag-Upload Ng Video Ng Pagpugot Sa Canadian Hostage, Pinapaimbestigahan Na Samga Eksperto Ng Armed Forces Of The Philipp
Facebook Comments