Nag-viral na Video ng isang POSO Dagupan Officer may paliwanag daw

May apela ang Public Order and Safety (POSO Dagupan) sa publiko patungkol kumakalat ngayon na video sa social media kung saan ay makiktang hindi pagsunod ng isa nilang kasamahan sa NO HELMET POLICY na pinatupad ng mga ito Setyembre 25, 2017 at ang pag-papalusot nito sa motorsiklo na kung saan ito umangkas.

“Maging fair at alamin na muna ang both sides bago magjudge.” Ito ang PAHAYAG NI POSO Chief carlito Ocampo tungkol sa viral video ng isa sa mga emplyado ng POSO Dagupan.

Sa video na inupload ng nag ngangalang Darwin Carcha makikita ang isang empleyado ng POSO na si July Espino na hindi nakasuot ng helmet at ang driver ng motor na si Dominic Jay Meer sa kahabaan ng M. H Del Pilar St. dagupan City at Ang video na ito pinutakte ng mga netizen ng reklamo.


Ayon kay POSO Chief Carlito Ocampo in good faith ang nangyari sa viral na video dahil may kailangang hulihin ang empleyado na ito na lumabag sa NO HELMET Policy kaya umangkas ito sa isang motorista upang maabutan ang motoristang lumabag. Sa facebook post ng POSO Dagupan napatawan na nila ng kaukulang parusa ang kanilang kasamhan na violator ng Helmet Law. Sa katunayan umano bago pa ma-videohan at maging viral ang nasabing video nabigyan na ng ticket sa ganap na 9:00AM si July Espino dahil sa hindi pagsusuot ng helmet at si Dominic Meer sa pagdridrive ng walang lisensya. Ang motorsiklo ni Dominic Meer ay nasa pamunuan narin ng POSO. Dadgdag pa ng kanilang hepe “The law applies to everyone including our enforcers.”

Mensahe naman ni POSO Officer Espino sa mga bumabatikos sa kanilang hanay na huwag silang hanapan ng butas dahil ginagawa lang nila ang trabaho nila.

Aabot sa 104 na motorista ang nahuli ng POSO Dagupan na lumabag sa NO HELMET Policy sa unang araw nito.

Narito ang Viral Video mula sa facebook account ni Darwin Carcha.

Photo credited to Darwin Carcha


Facebook Comments