Naga City// 2 Suspects Arestado, Kalahating Kilo ng Suspected Shabu Nakumpiska

Bagsak sa kamay ng pinag-isang pwersa ng pulisya ang dalawang suspects kaugnay ng drug-buy-bust operation na isinagawa sa Lorevilla St., Zone, San Felipe, Naga City.
Kinilala ang mga suspects na sina Roy Christopher Besin y Roallos, edad 32, at Neil Besin y Amaranto, edad 46.
Nakuha mula sa kanila ang 2 pirasong plastic bag na naglalaman ng nasa kalahating kilo ng bagay na pinaghihinalaang shabu na may estimated value na 1.5 M pesos.
Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng PDEA CamNorte sa pamumuno ni 1A5 Vidal DC Bacolod, PDEA CamSur sa pangunguna ni 1A1 Arlene Galiza, PDEA ROV-SIU, NCPO PS3, CDEU sa pangunguna ni PMaj Edgar Butch Moraleda at CSPPO-PIB sa pangunguna ni PMaj Alex Penafiel.
Sa mga photos na kuha ni RadyoMaN Paul Sntos, makikita ang mga suspects at pinaghihinalaang item ganundin ang buy-bust money na inihanda ng kapulisan para sa nasabing operasyon.
Report by RadyoMaN Paul Santos



Facebook Comments