Naga City – Patuloy ang pagdami ng mga kaso ng HIV-AIDS sa Bicol region.
Nangunguna sa talaang ipinalabas ng DOH region 5 ang Naga City na may pitumpu’t-isang kaso, habang sampu naman sa lungsod ng Iriga, anim sa mga bayan ng Baao, Magarao at ilan pa sa bayan ng Calabanga, Goa at Ragay.
Samantala, sa loob lamang ng 5 buwan simula noong Enero hanggang Mayo ngayong taon may dalawampu’t-isang kaso na kaagad ang nairehistro sa probinsya pa lamang ng Camarines Sur at kabuuang walumpu’t siyam sa buong Region 5.
Ayon sa pahayag ni Dr. Rey Millena ng DOH region 5, lubhang nakakaalarma ang paglobo ng bilang ng mga HIV case sa rehiyon sa kabila ng kampanya ng DOH laban dito, pagpapatupad ng programa at pagpapakalas ng impormasyon at ang libreng pagpaeksamin sa lahat ng City Health Offices sa rehiyon.
Patuloy pa rin ang panawagan ng DOH na mag-ingat sa HIV-AIDS at iwasan ang pagkakaroon ng unsafe sex and multiple partners.