Ipinag-utos ng Naga City Local Government sa management ng Metro Naga Water District (MNWD) na tiyaking sapat ang supply ng tubig sa darating na linggo. Ito ay kaugnay ng pag-host ng lungsod ng Palarong Bicol na magsisimula sa February 3, 2018.
Ayon kay Sir Allen Reondanga ng City Hall Events and Protocol Office, dapat matiyak ang supply ng tubig dahil sa pagdagsa ng mga atleta at mga bisita mula sa iba’t-ibang lalawigan ng Kabikolan. Partikular na dapat tiyakin ang supply ng tubig sa mga billeting centers kung saan mamamalagi ang mga delegasyon para sa palaro.
Nilinaw din ni Reondanga na bagama’t dapat paghandaan ang darating na Palarong Bicol, hindi rin dapat balewalain ang regular na pangangailangan ng mga kunsumidor na sakop nito. Binigyang diin pa na dapat mag-operate ang lahat ng pumping stations ng MNWD upang matiyak na sapat ang water supply sa lahat ng service areas nito at hustong masuplayan din ang mga pangangailangan ng mga manl;alaro at panauhin kaugnay ng Palarong Bicol.
Kaugnay nito, sisikapin naman ng MNWD na matugunan ang bagay na ito at magto-24/7 ang kanilang engineering department para agad na marespondihan ang anumang hindi inaasahang emergency or breakdown ng mga water pumping stations.
Naga City Hall – MNWD: Tubig Tiyaking Sapat sa Palarong Bicol
Facebook Comments