Naga City// Magkapatid Edad 5 at 7, Naglalaro, Nahulog sa Ilog, Isa Nalunod

Naglalaro sa kanilang bakuran malapit sa ilog ang dalawang magkapatid sa ina na kinilalang sina Adrian, edad 7, at Kevin, edad 5 taong gulang.
Hindi nila namalayan na nasa pampang na pala sila ng ilog at sa hindi inaasahang pangyayari, nahulog silang dalawa at napalublob sa tubig.
Kaagad naman silang tinulungan ng mga kapitbahay kung saan nakuha silang dalawa at mabilis na dinala sa Bicol Medical Center.
Nailigtas ang nakababatang kapatid na si Kevin subalit sinawimpalad na bawian ng buhay ang kuya nitong si Adrian.
Naganap ang insidente kamakalawa bandang alas 10 ng umaga sa Barangay Balatas, Naga City.
Ang pangyayaring ito ay ikinalungkot naman ni Kapitan Allan San Juan ng nasabing barangay. Sa kanyang pahayag, sinabi niya na gagawan ng paraan ng pamunuan ng barangay na malagyan ng balandra o bakod ang mga gilid ng ilog para maiwasang maulit pang muli ang katulad na trahedya.

Facebook Comments