Taus-pusong pinasalamatan ni Naga City Mayor John Bongat ang lahat ng mga naging katuwang ng Naga City Local Government maging ng Simbahan para sa matagumpay, masaya at matiwasay na weeklong celebration ng Peñafrancia Festival na tanyag bilang pinakamalaking Marian devotion sa Asia.
Ipinaabot ni Bonggat ang kanyang mensahe sa send-off ceremony sa mga myembro ng Philippine National Police na nagsilbing augmentation force dito sa Naga City para mapangalagaan ang katahimikan, pag-manage ng traffic flow kaugnay ng isang linggong selebrasyon ng kafiestahan ni Inang Birhen de Penafrancia.
“Maraming salamat, pagpalain at patnubayan nawa kayo ng Poong Maykapal sa tulong ni Our Lady of Peñafrancia” sabi pa ni Mayor Bongat sa huling bahagi ng kanyang send-off message.
Ang Our Lady of Peñafrancia Festival ay tampok na taunang pagdiriwang sa kabikolan particular sa Naga City. Ito ay itinuturing na pinakamarangya, pinakamalaki at pinakatanyag na Marian devotion sa buong Asia na pinasisimulan sa pamamagitan ng “TRASLACION” tuwing ikalawang biernes at nagtatapos sa pamamagitan ng FLUVIAL PROCESSION sa ikatlong sabado ng buwan ng Setyembre.