Naga City // Pasaway na mga Drivers, Na-Wheel Clamp Hindi Bababa sa 50 Araw-Araw

12

Marami pa rin ang hindi disiplinadong drivers sa Naga City. Ito ay base sa mga “na-wheel-clamp” na mga sasakyan sa mga kalsada ng syudad kung saan ipinagbabawal ang pagparada. Marami pa rin ang nahuhuli araw-araw simul;a nang ipatupad angpolisiyang ito.
Ayon sa pahayag ni Naga City Public Safety Office Chief Renne Gumba, nasa mahigit 50 na mga sasakyan ang kanilang nahuhuli at nawi-wheelclamp araw-araw. Ito ay sa harap ng pagpapatupad ng Wheelclamp Ordinance at Towing Ordinance inumpisahang ipatupad san aga City kamakailan lamang.
Sinabi pa ni Gumba na marami pa talagang mga pasaway na driver sa harap ng kanilang pinaigting na kampanya kaugnay ng bagay na ito. Pero binigyang-diin ng opisyal na hindi sila titigil sa pagpapatupad ng nabanggit na mga ordinanssa.
Malimit na nahuhuli ang mga pasaway na drivers na illegal na naka-park sa kahabaan ng Panganiban Drive at Magsaysay areas sa Naga City.
dwnx kwarenta y singko

Facebook Comments