Manila, Philippines – Nagalak ang Palasyo ng Malacañang nang mabalitaan na tinanggap na ni Senador Gringo Honasan ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na pamunuan ang Department of Information and Communications Technology ang maging miyembro ng Gabinete o official family ng Pangulo.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, sa pagpasok ng provisional major player sa telecommunication industry ay tiwala sila na makapagbibigay ng maayos na direksyon si Honasan at mahusay na pamamalakad sa DICT.
Sinabi din ni Panelo na naniniwala sila na maisusulong ni Honasan ang mga priority programs ni Pangulong Duterte na magbibigay ng magandang serbisyo sa mamamayan sa larangan ng information, communications and technology.
Asahan naman aniya na ilalabas ng Malacanang ang formal appointment paper ni Honasan sa oras na sila ay makakuha ng kopya nito.
Sa huli ay nagpaabot din ng pagbati si Panelo kay Honasan at sinabing sanay maging magatumpay ito sa pagbibigay ng tunay na pagbabago sa DICT.