Manila, Philippines – Tiniyak ni Government Peace Panel Chairperson
Silvestre Bello III na hindi makakaapekto sa gagawing peace talks Bukas
(April 2) ang naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at mga rebeldeng
New People’s Army (NPA) sa Gen. Nakar, Quezon na ikinamatay ng dalawang
sundalo at 10 rebelde.
Ayon kay Bello – dahil sa mga naturang insidente na ito ay mas lalong
nagbibigay ng dahilan para ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.
Aniya hindi pag-uusapan ang engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at
ng New People’s Army kahit na isa ang bilateral ceasefire agreement sa mga
magiging prayoridad ng susunod round of talks na gaganapin sa Netherlands
dahil aniya ay tinanggap na nila ito bilang bahagi ng “realities on the
ground”.
Tiwala si Bello na hindi ipag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang
usapang pangkapayapaan dahil sa pangalawang pagkakataon dahil sa naganap na
insidente sa Quezon.