Manila, Philippines – Mula sa level 2, itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa alert level 3 ang Bulkang Mayon.
Sa interview ng RMN Manila kay PHIVOLCS Executive Dir. Renato Solidum, sinabi nito na nakapagtala sila mula kahapon ng ilang phreatic eruptions at mga lava flow.
Aniya, senyales ito ng nagbabadyang “hazardous eruption” o pagputok ng Mayon sa loob ng ilang araw o linggo.
Sinabi naman ni monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan, mahigit 948 pamilya ang sapilitang pinalikas dahil sa posibleng pagputok ng bulkan.
Ang mga lumikas aniya ay nananatili sa mga apat na eskwelahan sa Camalig at Guinobatan, Albay.
Posible namang madagdagan ang mga lumikas kung tataas pa ang alert level.