NAGBABALA | 11 barangay, apektado ng fish kill sa Obando, Bulacan

Bulacan – Labing-isang barangay sa Obando, Bulacan ang apektado ngayon ng fish kill.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Director Willy Cruz – Sabado pa nang maobserbahan ang fish kill sa halos 100 ektaryang palaisdaan.

Bukod sa pabago-bagong panahon, isa rin sa tinitingnang dahilan ng fish kill ang tumamang magnitude 3 na lindol sa lugar.


Kaugnay nito, nagbabala si Cruz sa pagkonsumo ng mga isda mula sa mga apektadong palaisdaan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang water quality investigastion sa lugar, para matukoy ang totoong sanhi ng fish kill.

Facebook Comments