MANANAGOT PARIN | Sec. Wanda Teo, wala pa ring lusot kahit ibalik ang 60 million na budget sa ad placement ng DOT

Manila, Philippines – Iginiit nila Akbayan Rep. Tom Villarin at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, na hindi dapat palagpasin si Tourism Sec. Wanda Teo kahit pa isauli ang 60 Million pesos advertisement placement na napunta sa Bitag Media Unlimited Incorporated.

Giit ng dalawang kongresista, nagawa na ang krimen kaya dapat itong panagutan sa batas.

Binigyang diin pa ni Tinio na ang pagsauli ng 60 Million ay pag-amin na ng kasalanan kaya dapat lamang na tuluyan nang magbitiw si Teo.


Naniniwala naman si Villarin na ang pagsasauli ng salapi ay ginawa na lamang ng magkapatid na sina Wanda at Ben Tulfo dahil alam ng mga ito na mahirap nang lusutan ang kontrobersiyang kanilang kinakaharap.

Hiniling din ng mga mambabatas na ituloy ang imbestigasyon kay Teo at kay Tulfo para magkaroon ito ng conclusive ending.

Facebook Comments