NAGBABALA | 5 bagyo na mala-Ompong posibleng manalasa pa sa bansa – PAGASA

Nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa posibilidad na apat hanggang limang bagyo pa na kasing lakas ng tropical Ompong ang hahataw sa Pilipinas bago matapos ang taon.

Ayon kay Esperanza Cayanan, hepe ng PAGASA Weather Division, base na rin ang babalang ito sa mga nakaraang taon kung saan malalakas na bagyo ang nanalasa sa bansa mula Oktubre hanggang sa Disyembre.

Karamihan ng mga bagyong ito ay dumadaan sa Northern Luzon at Central Luzon na kung saan bukod sa malakas na hangin ay may dala ring malakas na pag-ulan.


Gaya ng nangyari sa Cordillera Autonomous Region (CAR) kung saan nagdulot ng landslide ang ulan na dala ng Bagyong Ompong sa Itogon, Benguet.

Dahil dito nagpapaalala ang PAGASA na dapat maging handa ang lahat, lalo na sa mga lugar na madalas daanan ng bagyo, sa pagtugon sakaling magkaroon ng landslide, mga pagbaha at iba pang trahedya na dala ng malalakas na bagyo.

Umaabot sa dalawampung bagyo ang pumapasok sa bansa kada taon.

Facebook Comments