NAGBABALA | Anomalyang kinasangkutan ni dating Tourism Sec. Wanda Teo at ng mga Tulfo, posibleng iakyat ng COA sa Ombudsman

Manila, Philippines – Nagbabala si Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na posibleng dalhin sa Office of the Ombudsman ang usapin tungkol sa anomalyang kinasangkutan ni dating Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo at ng mga kapatid nito.

Ito ay kaugnay pa rin sa hindi pa naibabalik na P60 Million ad placement ng DOT na ipinasok sa BITAG Media na pag-aari ng ng kapatid nito na si Ben Tulfo at ang P2.5 Billion na transaksyon sa ahensya sa ilalim ng pamumuno noon ni Teo.

Sa pagharap ni Romulo-Puyat sa budget hearing sa Kamara, kapag hindi naibalik ng mga Tulfo ang nakulimbat na pera sa DOT ay posibleng iakyat na ng Commission on Audit ang anomalya.


Dumistansya naman ang Kalihim sa isyu at ipinauubaya na ng kanyang pamunuan ang usaping ito sa COA.

Sinabi pa ni Puyat na binigyan ng COA ng anim na buwan sina Teo upang sagutin ang Audit Observation Memo ng COA.

Ang COA na rin anya ang nakaka alam kung ibabalik nila Teo ang pera ng ahensya na ginamit pambayad sa BITAG at sa iba pang transaksyon ng dating Secretary.

Facebook Comments