Manila, Philippines – Nagbabala si Sen. Panfilo Lacson sa pagkakaroon ng constitutional crisis kung igigiit ng senado ang awtoridad nito sa Korte Suprema ukol sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Lacson – matapos niyang rebyuhin ang konstitusyon, wala siyang nakitang ilegal sa desisyon ng korte suprema na paboran ang quo warranto petition na kumukwestyon sa appointment ni Sereno.
Binigyang diin pa ng Senador na walang hurisdiksyon ang Senado sa nangyari kay Sereno lalo at wala pang nangyayaring pag-convene bilang impeachment court ang mataas na kapulungan.
Punto pa ni Lacson – ang quo warranto at ang impeachment ay magkaiba.
Ang Korte Suprema pa rin ang nananatiling final arbiter mula sa tatlong sangay ng gobyerno.