NAGBABALA | Inflation rate posibleng pumalo sa 7% hanggang 8% ngayong holiday season

Manila, Philippines – Nagbabala si Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na posibleng pumalo sa 7 hanggang 8 porsyento ang inflation rate pagsapit ng Pasko.

Ayon kay Zarate, sa mga nagdaang taon ay naitatala ang pagtaas ng inflation pagpasok ng holiday season dahil sa tumataas na demand sa mga produkto.

Hindi na magtataka ang mambabatas kung papalo sa 7% hanggang 8% ang inflation rate lalo pa at nasa 6.7% na ang naitalang inflation ngayong buwan ng Setyembre batay sa Philippine Statistics Authority (PSA).


Naging buwanang pabigat na sa mga consumers ang patuloy na pagtaas ng inflation sa bansa.

Ilan pa sa mga factors na maaaring magdulot sa pagtaas ng inflation ay ang mga nakaambang na dagdag na singil sa tubig at pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Kung hindi aniya maibabasura ang TRAIN o maaalis ang excise tax sa fuel ay tiyak ang pagsirit ng inflation hanggang sa katapusan ng taon.

Facebook Comments