NAGBABALA | Matinding traffic, ibinabala ng MMDA sa pagpasok ng ‘ber’ months

Manila, Philippines – Kasabay ng pagpasok ng “ber” months, may maagang babala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista.

Asahan na anila ang matinding traffic dahil sa kabi-kabilang Christmas sale sa mga mall na karamihan ay nasa kahabaan ng EDSA.

Bukod dito, sisimulan na rin ang pagkukumpuni sa ilang lumang tulay sa kamaynilaan kabilang ang Old Sta. Mesa Bridge na nagdurugtong sa San Juan City at Quezon City.


nag-abiso na raw ang contractor na isasara ang tulay sa September 15 para masimulan na ang skyway project construction.

Sa susunod na buwan naman, isasara ang estrella-pantallon bridge na nagdurugtong sa Makati at Mandaluyong para ayusin.

At sa unang quarter ng 2019, aayusin naman ang Guadalupe Bridge kung saan tig-dalawang lane ng magkabilang direksyon ng kalsada ang isasara.

Kaugnay nito, inaayos na ng MMDA ang mga alternatibong ruta na pwedeng daanan ng mga motorista para maibsan ang inaasahang pagbibigat ng trapiko sa mga nabanggit na lugar.

Facebook Comments