NAGBABALA | Mga nagugutom, mahihirap, kakulangan ng trabaho, pagbagsak ng ekonomiya, ibinabala ng isang kongresista

Manila, Philippines – Ibinabala ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang maraming negatibong epekto ng patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa.

Ayon kay Villarin, lalong tataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at pagkain na mauuwi sa pagtaas ng bilang ng maraming magugutom na Pilipino.

Tataas aniya ang bilang ng mga mahihirap na maaaring mauwi sa pagtaas ng krimen sa bansa dahil sa magastos na pamumuhay at kawalan ng trabaho.


Kasabay pa nito ang patuloy na pagbagsak ng piso kung saan mababawasan o magsisialisan ang mga mamumuhunan sa bansa na magreresulta sa kakulangan ng trabaho.

Babagsak aniya ang ekonomiya dahil dito na maaaring mauwi sa pag-utang ng malaki ng pamahalaan.

Dahil sa malaking utang, babawasan ng gobyerno ang mga social services at subsidies kung saan sa huli ay mga mahihirap na Pilipino pa rin ang matatamaan.

Facebook Comments