NAGBABALA | NoKor – itutuloy ang nuclear program kapag inalis ng US ang ipinataw nitong economic sanctions

North Korea – Nagbabala ang North Korea na itutuloy nito ang kanilang nuclear program sakaling hindi alisin ng Estados Unidos ang economic sanctions na ipinataw sa kanilang bansa.

Ayon sa Foreign Ministry ng North Korea, posibleng ibalik nila ang kanilang ‘Pyongjin’ policy na layong isailalim sa advancement ang kanilang nuclear force.

Hindi raw kasi tumutupad ang washington sa mga napag-usapan nina North Korean Leader Kim Jong Un at US President Donald Trump sa kanilang pulong sa Singapore noong hunyo hinggil sa denuclearization ng buong Korean Peninsula.


Samantala, nanindigan naman si US Secretary of State Mike Pompeo na ipagpapatuloy ng Amerika ang economic pressure hangga’t hindi rin tumutupad si kim sa naging pangako nito kay Trump.

Kaugnay nito ay kakausapin daw niya sa susunod na linggo ang kanyang counterpart na si North Korean Official Kim Yong Chol.

Facebook Comments