Manila, Philippines – Tiniyak ni Caloocan Rep. Edgar Erice na handa sila sa oposisyon na ipaglaban ang demokrasya ng bansa matapos ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Nagbabala si Erice na ang susunod na panganib sa pagpapatupad ng martial law extension sa Mindanao ay maaaring hudyat ng pagpapatupad din ng batas militar sa Luzon at Visayas.
Nakahanda aniya sila na harangin ang anumang kautusan o batas na sisikil sa kalayaan.
Aniya ang pagpapalawig pa ng isang taon sa batas militar ay simula pa lang ng mas kinatatakutang revolutionary government na ilang beses na ring ibinanta ng Pangulo.
Nakakabahala aniya na gagamitin lamang ito na dahilan ng gobyerno para simulan ang diktaturyang pamamahala.
Facebook Comments