NAGBABALA | Pangulong Duterte may project sa mga tiwaling pulis

Manila, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pulis na sangkot sa iligal na droga at gun for hire na ipa-project niya ang mga ito.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa anibersaryo ng National Intelligence Coordinating Agency o NICA ay sinabi nito na mayoon siyang project sa mga tiwaling pulis at ito aniya ay para iterminate o i-neutralize ang mga ito.

Sinabi ng Pangulo, walang mangyayari sa bansa kung mayroon pa ring mga bulok na pulis lalo pa at mayroon paring problema sa iligal na droga ang bansa.


Aminado din si Pangulong Duterte na dismayado siya dahil nawawala na ang takot ng mga tiwaling pulis sa batas at karapatang pantao dahil parang wala nang sumusunod sa batas.

Facebook Comments