Manila, Philippines – Nagbabala si Ifugao Representative Teddy Baguilat na maaari pang bumaba ang ratings ni Pangulo ng Rodrigo Duterte sa kalagitnaan ng kanyang termino.
Ito ay matapos makakuha ng 70% gross satisfaction rating si Pangulong Duterte, mababa lamang ng isang puntos sa nakaraang 71% gross satisfaction rating nito.
Bagamat mataas pa rin at pasok pa rin sa “very good” ang net satisfaction ng Pangulo, hindi naman maiaalis na pwede itong mahila pababa.
Ayon kay Baguilat, ang isang popular na Presidente tulad ni Duterte ay karaniwang nahihila pababa ng mga opisyal na nakapaligid sa kanya.
Mababatid na ilang myembro ng gabinete nito ang sinibak sa pwesto dahil sa mga isyung kinasasangkutan kung saan pinakahuli ay si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Dagdag pa dito, hindi rin lahat ay sang-ayon sa martial law at sa marami pang kaso ng EJKS sa bansa.