NAGBABALA | TRAIN 2 o TRABAHO Bill, posibleng matulad sa kinahinatnan ng TRAIN 1

Manila, Philippines – Nagbabala si Marikina Representative Miro Quimbo na matutulad sa TRAIN 1 ang TRAIN 2 o TRABAHO Bill.

Ayon kay Quimbo, posibleng matulad ang TRAIN 1 sa TRAIN 2 kung saan iba ang ipinangakong epekto ng mga economic managers pero pahirap naman ang naging resulta nito sa publiko.

Sinabi ni Quimbo na 61% ng mga kasapi ng American Chamber of Commerce ang nagpahayag na ititigil ang kanilang expansion program dahil sa epekto ng TRABAHO Bill.


Ayon naman sa Philippine Economic Zone Authority o PEZA, mula sa dating P100 Billion na investment pledges ay bumaba ito ngayon sa P53 Billion.

Ito na aniya ang nagiging epekto ng balak na rationalization ng insentibo ng mga kumpanya dahil sa nagbabadyang pag-alis ng mga investors sa bansa.

Dahil TRABAHO Bill, asahan na marami ang mawawalan ng hanapbuhay bunsod ng epekto nito sa mga kumpanya.

Hinamon ni Quimbo ang pamahalaan na ngayon pa lang ay tapatin na ang publiko sa tunay na magiging epekto ng TRAIN 2 sa bansa.

Facebook Comments