NAGBABALA | VP Robredo, nagbabala sa napipintong pagdesisyon ng SC sa quo warranto case laban kay SC CJ Sereno

Manila, Philippines – Nagbabala si Vice President Leni Robredo sa negatibong epekto sa bansa sa sandaling matanggal si SC chief Justice Ma lourdes Sereno sa pamamagitan ng Quo warranto petition.

Ang babala ay ginawa ni Robredo sa harap ng nakaambang paglalabas ng desisyon ng SC enbanc na umano ay tuluyang magpapatalsik sa Chief Justice.

Sa kabiyang pagsasalita sa Free the Justice Forum sa UP Diliman,
Sinabi ni Robredo na kapag hinayaang magtagumpay ang Quo Warranto case laban kay Sereno magagamit ito bilang sandata para patahimikin ang tumutunggaling boses sa bansa.


Hindi aniya dapat manahimik na lamang sa gitna ng dilim lalo pa at nakataya rito ang demokrasya na pinaghirapan ng mga ninuno na nagtanggol noong una pamang panahon.

Idinagdag ni Robredo na bilang halal na Bise Presidente ng bansa handa siyang manindigan na protektahan ang demokrasya dahil likas sa Pilipino na maging malakas sa gitna ng unos at pagsubok.

Una na rin sinabi ni Dean Jose Manuel Diokno ng De La Salle University na isa rin sa mga nagsalita sa forum na may matinding banta sa demokrasya dahil pinupukol ang kanilang hanay na ugat ng pagkahati-hati ng bansa.

Facebook Comments