NAGBABALIK! | War on drugs ng Capiz PNP umaarangkada na; pinakaunang drug buy bust operation, ikinasa

CAPIZ – Ikinanasa ng Capiz PNP ang pinakaunang drug buy bust operation ngayong taon, mula nang ibinalik sa PNP ang war on drugs.
Arestado sa isinagawang operasyon ng pinagsamang pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) “Cluster-Bravo” ng Capiz PNP at PDEA Region 6 ang isang lalaki sa Brgy., Candual, Panay, Capiz
Kinilala ang suspek na si Leory Balgos y Ballos, 34-anyos ng Brgy., Tacas, Pontevedra, Capiz. Nakuha sa mga kamay ng suspek ang tatlong sachet ng suspected shabu at 500 pesos na buy bust money.
Si Balgos ay isa sa mga drug surrenderer sa bayan ng Pontevedra at muling bumalik sa pagtutulak ng iligal na droga. Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasabing suspek.

Facebook Comments