NAGBANTA | DOE at mga oil companies, binantaang ipapa-contempt sa Kamara

Manila, Philippines – Nagbanta si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na ipa-co-contempt na ng Kamara ang mga opisyal ng Department of Energy at oil companies kung tatanggi ang mga ito na isumite ang oil price data.

Giit ni Zarate, noong nakaraang taon pa ng Oktubre ipinasusumite sa DOE ang listahan sa pagtatakda ng presyo ng langis pero wala pa rin ang nasabing datos.

Dahil dito, iginiit ni Zarate na mapipilitan silang i-invoke ang kapangyarihan ng House Committee on Energy na ipa-subpoena at i-contempt ang DOE at mga oil companies.


Ipinasusumite din sa DOE ang Department Order na umoobliga sa mga oil companies na ibigay ang data at costs sa pagpapataw ng presyo sa oil products.

Iginiit pa ni Zarate na napakahalaga ng nasabing data ngayon pa na ipinapatupad ang TRAIN Law at ang naka-ambang pagtataas nanaman ng mga produktong petrolyo.

Pinatitigil din ng mambabatas ang DOE sa pagpapalusot na hindi nila alam o hindi nila makukuha ang data para sa tamang computation ng oil prices sa bansa.

Facebook Comments