Manila, Philippines – Nagbabala ang grupong Kadamay na muling babalik sa Rodriguez, Rizal para igiit ang kanilang karapatan para mabigyan ng pabahay ng pamahalaan.
Ito ay matapos silang mabigong maagaw ang ilan sa mga housing units para sa mga pulis at sundalo sa Rodriguez, Rizal.
Giit ng grupong Kadamay, lahat na bakanteng bahay sa Rodriguez, Rizal ay dapat ibigay sa kanilang mga walang tahanan
Pero iginiit ni National Housing Authority Spokesman Elsie Trinidad na nai-award na ang may 700 kabahayan sa mga miyembro ng militar, pulisya at mga miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Aniya, mali ang pamamaraan ng kadamay na idaan sa ilegal na pamamaraan para magkaroon sila ng bahay mula sa gobyenro.
Sa interview ng RMN DZXL Manila, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi na magpapadala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ito.
Ayon kay Roque, sa pagkakataong ito ay nanindigan na si Pangulong Duterte na ipapatupad ang batas.