Manila, Philippines – Nagbanta ang pamunuan ng Manila Traffic Parking Bureau (MTPB) na hindi nila sasantuhin ang mga vendor na nakahambalang sa kalsada ng Maynila kahit pa protektado ng ilang mga barangay chairman sa lugar.
Ang pahayag ay ginawa matapos na malaman ni MTPB Chief Dennis Alcoreza na hindi umano ito pinapansin ng mga barangay opisyal na nakasasakop sa mga lugar na maraming nakahambalang na sasakyan at mga illegal vendors.
Paliwanag ni Alcoreza, sa kahabaan ng Pedro Gil Street Ermita Manila na halos hindi na umano madaanan ng mga motorista at pedestrian ang side walk o bangketa dahil sinakop na ito ng mga vendors.
Una rito napaulat na malakas ang loob umano ng mga illegal vendors dahil nakatimbre umano ito sa barangay chairman at sa ilang tauhan ng Department Public Service kaya naman ang ang lakas ng loob nila na itayo ang stall na bakal sa kalye dahil sa nagbabayad umano ang mga vendors ng 100 hanggang 300 peso kada araw depende kung gaano kalaki ang stall sa mga opisyal ng DPS na humahawak sa lugar.