NAGBANTA | Sen. Trillanes, naniniwalang si Calida ang nasa likod ng pagpapawalang bisa ng kanyang amnestiya

664

Manila, Philippines – Binalaan ni Senator Antonio Trillanes IV si Solicitor General Jose Calida na hintayin ang kaniyang bwelta rito.

Ayon kay Trillanes, malinaw na si Calida ang nasa likod ng pag-atake laban sa kaniya kahit na itinanggi na niya ito.

Aniya, mismong ang AFP ang nagsabing si Calida ang nasa likod ng pagpapawalang bisa ng kaniyang amnesty at pagpapaaresto sa kaniya.

Sabi ni Trillanes, magpi-privilege speech siya para isiwalat ang mga bagong katiwalian ni Calida.

Giit pa ng senador, ginagamit ni Calida ang opisina ng SolGen at ng Office of the President para sa kaniyang sariling interes.

Facebook Comments