Manila, Philippines – Plano ni Senator Panfilo Ping Lacson na ipatanggal ang mahigit 16-billion pesos na pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa road-right-of-way project sa susunod na taon.
Ayon kay Lacson, ito ay kung mabibigo ang DPWH na idepensa ang right-of-way projects nito.
Sabi ni Lacson, pinapasumite na niya sa DPWH ang lahat ng dokumento hinggil dito para kanyang mapag-aralang mabuti.
Magugunitang sa budget ng DPWH ngayong taon ay umaabot sa 50-billion pesos ang ipinatanggal din noon ni Lacson na pondo para sa right-of-way pero iginiit binalik ito pagdating sa Bicameral Conference Committee.
Samantala, sa pagbusisi ng Senate Finance Committee sa panukalang pondo ng DPWH sa susunod na taon ay pinuna din ni Senator Lacson ang sablay ng DPWH sa road projects sa Baguio, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba at Tublay dahil sa kawalan ng slope protection.
Giit ni Lacson, tila hindi ginamitan ng common sense na inunang gawin ang kalsada bago ang slope protection kaya hindi rin ito magamit at malinaw na nasayang lang ang pera ng bayan.