
Nagbabala ang Ukraine ng ‘full scale war’ sa Russia kapag lumala ang maritime clash nila.
Matatandaang isinailim sa kustodiya ng Russia ang tatlong Ukranian ships at kapwa iginigiit ng dalawang bansa sa isa’t-isa na may paglabag ang mga ito sa batas ng karagatan.
Ayon kay Ukraine President Petro Poroshenko – nagsisimula na ang Russia na palakasin ang presensya nito sa kanilang mga border.
Aniya, nag-deploy na ang Moscow ng missiles system malapit sa kanilang mga border.
Iginiit ni Ukraine leader na nilabag ng Russia ang international law
Kaugnay nito, balak ni U.S. President Donald Trump na kanselahin ang nakatakdang pulong nito kay Russian President Vladimir Putin sa G20 Summit dahil sa insidente.
Una nang nagpatupad ng 30-days martial law ang Ukraine.









