NAGBAYAD | Philippine bowling team, nagbayad sa paliparan dahil sa kanilang excess baggage

Nagbayad ang mga pambato ng Pilipinas sa bowling dahil sa excess baggage ng mga ito, nang lumipad kahapon patungong Palembang, Indonesia para sa 2018th Asian Games.

Ayon kay Philippine Bowling Federation Secretary General Bong Coo, ang angkop kasi na timbang ng bagahe sa isang atleta ay 30 kilos, ngunit nasa 6 hanggang 7 kilo na ang bola pa lamang ng bowling kaya at susobra talaga ang timbang na bitbitin ng mga atleta.

Bagaman at maire-reimburse naman aniya ang daang libong piso na kanilang ibinayad, masakit pa rin aniya ito sa bulsa.


Ang 12-man Philippine bowling team ay kinabibilangan nina Merwin Tan at Kenzo Umali, na pamumunuan ni World Cup Champion Paeng Nepomuceno, kasama sina Biboy Rivera, Jojo Canares.

Facebook Comments