Nagbebenta ng overpriced na gamot sa COVID-19, inaresto ng NBI

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang negosyante na umano’y nagbebenta ng mga overpriced na gamot laban sa COVID-19 sa Cebu City.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang suspek na si Cherry Jalaron.

Una rito, nagsagawa ng surveillance operations ang NBI kasama ang tanggapan ni Presidential Adviser for Visayas Sec. Michael Dino, DTI, DOH at IATF matapos matanggap ang isang impormasyon kaugnay sa iligal na gawain ng isang Karen Go.


Nagpanggap na buyer ang isang ahente ng NBI at um-order ito sa online selling ng isang vial ng Tocilizumab na nagkakahalaga ng ₱97,000.

Nagkasundo ang mga ahente ng NBI at ang seller na si Go na magkikita sa Brgy. Guadalupe, Cebu City para doon mabayaran at ihahatid ang gamot.

Pagdating sa lugar, hindi si Go ang humarap sa NBI kundi ang tauhan nito na si Cherry Jalaron kung saan sinabi niyang inutusan lamang siya na i-deliver ang gamot.

Kinasuhan na ang suspek na si Jalaron.

Dawit din sa kaso si Karen Go na ngayon ay nakakalaya pa rin.

Facebook Comments