Nagbigay ng tulong pinansyal ang PCSO para sa mga biktima ng sunog sa Barangay 105 Zone 8, District 1, Tondo, Manila

Bilang representative ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairman At General Manager Royina Garma, personal na iniabot nina PCSO Employees Marie Louise Serojales at Irene Marzan ang checke na nagkakahalaga ng 527,000 pesos kay Barangay Chairman Elenita Reyes.

Ang nasabing halaga ay bilang calamity fund para sa 1,055 na mga pamilyang nasunugan noong nakaraang Sabado, April 18, 2020.

Lubos naman ang pasasalamat ni Barangay Captain Reyes lalo na at malaki ang maitutulong nito sa mga nawalan ng tirahan.


Sa pamamagitan ng calamity assistance program ng PCSO, nabibiktima ng tulong pinansyal ng mga biktima ng kalamidad tulad ng mga nasusunugan.

Facebook Comments