Nagbitiw na Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, walang kapangyarihan upang mag-convene ng Sugar Regulatory Board – Malakanyang

139

Iginiit ng Malakanyang na walang kapangyarihan ang nagbitiw na Agriculture Undersecretary na si Leocadio Sebastian na mag-convene ng Sugar Regulatory Board.

Ito ang nilinaw ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kasunod ng bali-balitang nag-isyu si Executive Secretary Vic Rodriguez ng kautusang nagtatalaga kay Sebastian na maging Chairman ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Angeles, walang inisyu si Rodriguez kaugnay rito.


Ibig sabhin ay walang binigay na kapangyarihan kay Sebastian upang pumirma sa pag-convene ng Sugar Regulatory Board at maging signatory sa katauhan ni Agriculture Secretary na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Facebook Comments