Malakanyang, nilinaw na walang kinalaman si Executive Secretary Vic Rodriguez sa lumabas na sugar importation order

451

Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na walang kinalaman si Executive Secretary Vic Rodriguez hinggil sa pang-angkat ng bansa ng asukal.

Ito ay matapos madawit ang pangalan ni Rodriguez sa inilabas na Sugar Order No. 4 ng Sugar Regulatory kung saan mag-aangkat ang Pilipinas ng aabot sa 300,000 metriko toneladang asukal.

Sa Facebook live ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kagabi, sinabi nito na ang tanging inisyu ni Rodriguez ay ang direktiba para sa Sugar Importation at hindi ang lumabas na Sugar Importation Order kamakailan.


Paliwanag ni Angeles, magkaiba ang dalawa dahil sa Sugar Importation Plan ay doon pa lamang tutukuyin kung maaari na bang mag-angkat ang bansa ng asukal at kung papayagan ay doon lamang ilalagay kung kailan, saan manggagaling at gaano karami ang i-aangkat ng bansa.

Dagdag pa nito, ang maling panahon ng importation ay posibleng ikalugi ng ating mga magsasaka.

Facebook Comments