Nagbitiw na sa pwesto ang Chief Operating Officer ng Manila Water na si Geodino Carpio

Ito ang kinumpirma ngayong umaga ni dittie galang  ng Manila Water  Communications Planning and Tactical Development Manager.

Epektibo ngayong araw ang resignation pero magtratrabaho pa si Carpio hanggang kataposan ng buwan.

Kung maalala nitong mga nagdaang araw, nagkaroon ng krisis sa tubig.


Apektado ang pamumuhay ng mga residente kabilang na ang pagligo, pagkain, pagpasok, paglalaba,  at pag dumi.

Ayon kay Dittie Galang si group Director Abelardo Basilio ng Strategic Asset Management.

Ang papalit sa pwesto ni Geodino Carpio.

Samantala sa ngayon inaantay pa ng Manila Water ang ipapataw na penalties sa kanilang kumpanya ng MWSS  regular matapos bigong magsupply ng tubig 24/7 sa  loob ng 15 araw.

Target  ngayon ng Manila Water na bago matapos ang buwan ng mayo ay may maganda development na sa pagsusupply nila ng tubig sa kanilang costumer.

Facebook Comments