Nagbitiw na si Japanese Prime Minister Shinzo Abe, inilarawan ni Pangulong Duterte bilang higit pa sa kapatid

Binigyang pugay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbitiw na sa pwesto na si Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Sa isang pahayag, inilarawan ni Pangulong Duterte si Abe bilang isang pinunong may matapang na pananaw at matinding determinasyon.

Ayon pa sa Pangulo, naging mabunga ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Abe.


Naniniwala rin si Pangulong Duterte na napagtibay pa nila ang pakikipag-ugnayan at pagkakaibigan ng Pilipinas at Japan.

Matatandaang si abe ang unang pinuno ng ibang bansa na bumisita kay Pangulong Duterte mula noong maluklok siya kung saan dumalaw pa ito sa kaniyang tahanan sa Davao City.

Sa huli, hiling ng Pangulo ang agarang pag-galing ni Abe na itinuturing niya bilang isang tunay na kaibigan na mas malapit pa sa pagiging kapatid.

Facebook Comments