Nagbitiw na si PO1 Tacorda dahil sa EJK, umani ng papuri mula kay Senator De Lima`

111

Manila, Philippines – Tunay na matapang! Tunay na Pilipino, at tunay na Bayani!

Yan ang bahagi ng todong papuri ni Senator Leila De Lima sa nagbitiw na si PO1 Vincent Tacorda.

Inihambing din ni Senator De Lima si Tacorda sa nagniningas na bituin sa kalangitan na nagsisilbing gabay sa karimlan, at pangako ng pagdating ng liwanag.

Si Tacorda ay nagbitiw sa Philippine National Police dahil hindi umano nito masikmura ang utos ng kanyang superior na pumatay kaugnay sa war on drugs ng Duterte administration.

Para kay De Lima, tama ang naging desisyon ni Tacorda.

Ayon kay De Lima, ang hakbang ni Tacorda ay nagbibigay ng pagasa na darating ang araw ay muling mananaig ang katotohanan at hustisya sa bansa mula sa kasalukuyang garapalang hindi tamang pagsunod ng mga otoridad sa batas, at pagyayabang sa krimen ng pagpatay bilang accomplishments.

Bunsod nito ay umaasa si De Lima na ang paninindigan ng isang pulis, tulad ng paninindigan ng isang mambabatas, ay maghuhudyat at makapaghihikayat para dumami pa ang mga Liwanag sa kadilimang dinaranas ngayon ng bansa.

DZXL558

Facebook Comments