2 suspek na nanlaban sa buy-bust operation – patay

69

Manila, Philippines – Nakuhanan ng walong sachet ng hinihinalang shabu ang dalawang drug suspek na napatay sa isang police operation sa Oroquieta St, Sta. Cruz, Manila kagabi.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga drug suspect na sina Cyrus Marfil alyas Nognog at Marlon Rapa na kapwa residente ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Central Market Sta. Cruz station sa mismong bahay ng target na si Marfil.

Nang magkaabutan na ng pera at isang sachet ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer ay bigla umanong sumigaw si Rapa na pulis ang kanilang katransaksyon kaya’t bumunot ng baril ang dalawang suspek at nagpaputok ito ngunit hindi tinamaan ang operatiba.
Dito na gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang dalawang suspek na nakuhanan pa ng dalawang kalibre 38 revolver.

Facebook Comments