Nagdeklara na ng full capacity ang 2 ospital ng St. Luke’s Medical Center para sa mga COVID-19 patient

Batay sa inilabas nilang abiso, puno na ang kanilang COVID ward at COVID ICU sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at St. Luke’s Global sa Taguig.

Ganito rin ang sitwasyon sa kanilang COVID-19 Emergency Room.

Dahil dito, humiling ang pamunuan ng hospital sa publiko na dalhin muna sa ibang pagamutan ang mga hinihinalang tinamaan ng virus o nagkaroon ng sintomas.


Samantala, agad namang ipapabatid sa publiko kung sakaling handa na muli silang tumanggap ng COVID-19 patients.

Sa ngayon, bukas pa rin ang hospital at patuloy na ginagamot ang nandoon.

Nilinaw ng St. Luke’s na tumatanggap pa rin sila ng pasyente maliban lang sa may kaugnayan sa COVID-19.

Facebook Comments