Manila, Philippines – Siniguro ni Philippine National Police Chief Ronald
Dela Rosa na rerebyuhin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kaso na may
kinalaman sa droga na ibinabasura ng Department of Justice (DOJ).
Sa harap ito ng pagaalala ng PNP dahil sa pagkakabasura ng DOJ sa kaso na
isinampa ng CIDG laban kina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co at iba
pang drug personalities.
Ayon kay Dela Rosa, nagkausap sila kahapon ni Pangulong Duterte sa
Philippine Military Academy Graduation sa Baguio at inihayag nito sa kaniya
na gagamitin niya ang kaniyang kapangyarihan para mag-review ng kaso.
Aniya, sa ngayon kasi ay may mga lumulutang na balita na pati ang kaso ng
shabu laboratory sa Virac, Catanduanes ay ibabasura kung kaya at patuloy
daw sila na magmo-monitor kaugnay dito.
Nilinaw naman ng hepe ng PNP na maliban sa high profile cases ay
magre-review din sa iba pang kaso ang Pangulo na tingin niya ay may
pagdududa sa imbestigasyon.