NAGDULOT NG TRAPIK│Truck, tumagilid sa isang intersection sa Pandacan

Manila, Philippines – Nagdulot ng pagsikip ng daloy ng trapiko ang tumagilid na 40-footer trailer truck sa isang intersection sa Pandacan, Maynila.

Naglalaman ang naturang truck ng dalawampu’t isang tonelada ng mga rubber matting.

Kwento ng driver na si Alan Razon, hindi pantay ang bigat ng laman ng trak kung kaya ito nawalan ng balanse.


Sa imbestigasyon naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), posibleng nag-beating the red light ang truck kaya’t ito tumagilid ng mag-preno.

Pero giit ng driver, na mabagal lang ang takbo nito dahil intersection ang tinatahak na kalsada at masikip aniya ang trapiko.

Wala naman nasugatan sa naturang aksidente.

Facebook Comments