Kadalasan ng paglileave natin sa trabaho ay inilalaan natin sa pagtatravel o di kaya naman minsan sa pagstay sa loob ng bahay. Pero kung ikaw naman ay bibigyan ng pagkakataon na makapaglibot pagkatapos mo magtrabaho ng mahigit 40 na oras sa isang linggo, hindi ba dapat lang na igrab natin ito? Pero paano kung budgeted lang ang ating pera pero ang gusto natin ay malaking space? At paano kung ang plano talaga natin ay ang magstaycation lamang?
Ito ang ilan sa mga apps na pwedeng makatulong:
Airbnb, Inc.
Ang Airbnb, Inc ay isang online booking site na nakabase sa San Francisco, ito ay para sa mga travelers na gustong accommodation ay ang pagrent ng lamang ng room o ng bahay ng mga locals sa isang lugar, ito ay sa kadahilanang gusto nilang maranasan ang kultura at pamumuhay ng mga tao doon.
Kadalasan ng mga nandito ay mga private owners at madali lamang silang makausap gamit ang app. Ang Airbnb ay kadalasang mura ang accommodation at unique, mas mararamdaman mo ang pagka-Feel at Home dahil na din na ito ay friendly at flexible kumpara sa mga hotels.
Booking.com
Ang Booking.com ay isang website na nakabase sa Amsterdam, ito ay isang ‘travel fare aggregator website’ at ‘travel metasearch engile’ para sa mga lodging reservations. Dito sa booking.com ay bibigyan ka ng pagkakataon maikumpara ang presyo ng isang hotel, tinutulungan ka ng website na ito na magkaroon ng wde selection ng naggagandahang lugar at accommodations mapa-apartments man, family run houses, 5star luxury hotels, at iba pa. Ang maganda dito sa app na ito ay libre lamang kapag ikaw ay nagbook dahil wala silang booking fee.
Trivago
Ang trivago ay isang German multinational company na nagspecialize sa internet-lodging services. Ito ay under ng American Travel company na Expedia Group. Gaya ng Booking.com, sa Trivago ay bibigyan ka ng pagkakataaon ng maikumpara ang presyo ng isang hotel bago ka magbook kaya may pagkakataon kang makakuha ng malalaking discounts mula dito.
Ilan lang tong mga apps na to na kaya tayong matulungan sa paghahanap ng matutuluya kapag tayo ay nagtravel. Mayroon ding mga apps na kaya din tayong matulungan pagdating naman sa pagbobook ng mga activities na gusto nating itry.
Article written by Aika Flores