NAGHAIN | Mga anak ng kilalang pamilya sa QC, nagharap na ng COC sa COMELEC

52

Manila, Philippines – Pormal nang naghain ng kaniyang Certificate of Candidacy si QC Vice Mayor Joy Belmonte sa tanggapan ng COMELEC .

Tatakbo si Belmonte sa pagka-Alkalde sa ilalim na partidong Serbisyo sa Bayan na nakipag alyado sa Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sarah Duterte.

Sinamahan si Belmonte ng kaniyang ama na si dating House Speaker Sonny Belmonte at ng pinasan niyang si Kit Belmonte na nakapag file na rin ng COC bilang congressman ng 6th district ng QC.

Kumpiyansa si Belmonte na hinog siya sa serbisyo publiko. Sakaling palarin, magfo focus siya sa paghahatid ng basic services at sa pagsisinop sa kaban ng bayan.

Nagfile rin ng COC ang kaniyang running mate na si Councilor Gian Carlo Sotto na sinamahan ng kaniyang ama na si Senate President Tito Sotto.

Bagama’t aminado si dating House speaker Belmonte na madumi at magulo ang susunod na halalan, ,itinuturing na lamang nila ito na bahagi ng excitement ng pulitika.

Wala pa namang pahiwatig mula sa kampo ni Vincent “Bingbong” Crisologo kung kailan siya maghahain ng kandidatura.

Facebook Comments