KINUMPIRMA | Tunay na sakit ni Kris Aquino, inilahad na!

4264

rManila, Philippines – Matapos ang lumabas ang resulta ng serye ng medical test sa Singapore, inihayag na ngayon ng host/endorser/social media influencer na si Kris Aquino ang totoo niyang sakit.

Mismo si Kris ang kumumpirma na nakararanas siya ngayon ng Chronic Spontaneous Urticaria, isang sakit na may kinalaman sa autoimmunity.

Matatandaang biglang bumagsak ang timbang ni Kris matapos siyang lokohin ang kanyang tauhan sa usapin ng pera.

Nabatid na na-diskubre ni Kris na may malaking pera siyang pinaghirapan kitain ang ginastos ng walang pahintulot para sa luho ng taong pinagkatiwalaan niya.

Ilan sa mga kilalang artistang nakakaranas ng autoimmune disease ay sina Selena Gomez, Gigi Hadid, at Wendy Williams.

Facebook Comments