NAGHIGPIT | Seguridad sa pagsisimula ng election campaign, hinigpitan ng MPD

Manila, Philippines – Kasabay ng pagsisimula ng kampanya para sa Barangay at Sk elections, mas naghigpit ang Manila Police District sa pagbabantay sa 896 mga barangay sa lungsod.

Ayon kay MPD Spokesman P/ Supt. Erwin Margarejo – bukod sa mga checkpoint, nagsasagawa na rin sila ng foot patrol at mobile patrol lalo na sa mga lugar na itinuturing na ‘areas of concern’.

Patuloy ding pinag-aaralan ng MPD ang parameter sa ilang lugar para malaman kung dapat mailagay sa watchlist o kung maituturing na hotspot ang lugar na kanilang tinututukan.


Nakikipag-ugnayan din sila sa COMELEC na siyang nangangasiwa sa halalan.

Facebook Comments