Naghinanakit, Nagsulat, Nagsuicide

Naga City – WALA NG BUHAY nang madiskubre kamakalawa si Augusto Abundo, edad 60 na residente ng Imperial St. sa Barangay Dayandang, Naga City. Nakuha ang bangkay ni Abundo na nakabitay sa kwarto gamit ang kurtina at kumot.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sinasabing may problemang kinakaharap ang biktima sa personal nitong buhay. Tinatayang may hinanakit din siya sa kanyang pamilya, tanda ng kanyang mga isinulat sa dingding bago nito napagpasyahang magbigti.

“HOY…UMAYOS KA BAHAY ITO NANG(sic) MAGULANG NAMIN DI ITO SA INYO SAMPID LANG KAYO DITO WAG KANG SIGA KUNG MAGSALITA” “LUMAYAS NA KAYO DITO DI KO KAYO PATATAHIKIN(sic) HABANG BUHAY ARAW ARAW KO KAYON GUGULOHIN(sic) DAHIL SAMPID LANG KAYO.” Ito ang ilan sa mga salitang pinagsusulat ng biktima bago nagsuicide.


Ayon naman kay Dayangdang Punong Barangay Kidd Calleja, si Abundo ay dating nagtrabaho sa Maynila at kilala namang mabait na tao.

Kasama Mo sa Balita, Paul Santos, Tatak RMN.

Barangay Dayangdang Naga City,


Facebook Comments